Dating drayber ni Kerwin Espinosa, patay sa pamamaril

Sharing is caring!

Itinumba ang dating driver ng umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa ng riding in tandem sa Albuera, Leyte kahapon ng umaga.

Ayon sa Saksi, sinabi umano ng pulisya na posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang motibo ng krimen dahil dati nang naharap sa kaso ng illegal drugs ang biktima.

Kinilala ang napatay na si Nelson Pepito Jr., kagawad ng barangay.

Nag-aangkat umano ng kargang ibebenta si Pepito nang dumating ang mga salarin at pinagbabaril ito, na nagawang makatakbo palayo pero nahabol at naabutan ng mga suspek.

Nadamay naman sa pamamaril ang isang 4-anyos na bata.

Nagtrabaho bilang drayber umano at bodyguard ni Espinosa ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?