40

By

Dating DOTr USec Chavez itinalaga sa bagong puwesto

Muling binigyan ng puwesto sa gobyerno si dating Transrportation Undersecretary Cesar Chavez.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chavez bilang miyembro ng Board of Directors ng Bases Conversion Development Authority o BCDA.

Pinalitan ni Chavez si Jose C. Pallarca sa puwesto.

Matatandaaang nagbitiw sa kanyang puwesto sa DOTr si Chavez noong November 2017 dahil sa sunod-sunod na technical glitches sa mga bagon ng Metro Rail Transit 3.

Kabilang din sa mga baging appointees ng Pangulo sina Lorenzo Peñaranda Larion bilang miyembro ng Professional Regulatory Board of Mechanical Engineering ng Professional Regulation Commission, at Nancy Irlanda Tanjuatco bilang isa sa mga board of directors ng Land Bank of the Philippines, kapalit ni Rodolfo V. Puno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?