823

By

Dating Darna Nanette Medved, nagpatayo ng mga classroom sa Marawi

Real-life heroic deed ang ginawa ni Nanette Medved sa bumabangon mula sa giyera na Marawi City.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Medved ang kanyang pagdo-donate ng walong classroom sa Marawi bilang pagtulong sa kabataan ng probinsya.

“So happy to be able to turn over 8 classrooms here in Marawi today. Thank you to the Maranao for your heart warming hospitality especially given the circumstances! Pao- thank you for the great photos and Joie for choosing such moving locations. Finally, thank you to the approximately 2 million choices that made these classrooms possible,” ayon sa post ni Medved.

Siya ay dating gumanap na Darna noong 1991, naging founder ng charitable institution na Generation Hope noong 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?