4,293
pasno
May 15, 2018 @ 14:48

Dating contestant ng The Voice Kids, todas sa motorsiklo

Nasawi ang isang dating sumali sa The Voice Kids Philippines ng ABS-CBN matapos sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo sa San Juan, Batangas, Linggo ng gabi.

Sa imbestigasyon ni PO1 Richard Valenzuela, lumabas lamang para mamasyal sa Barangay Mabalanoy ang 13-anyos na si Christian Pasno kasama ang isang kabarkadang naka-motorsiklo rin.

Mabilis umano ang pagmamaneho ni Pasno kaya dumulas sa nakakalat na buhangin ang motorsiklo kaya sumemplang ito.

Tumilapon ang walang helmet na si Pasno sa nakatambak na buhangin sa ginagawang kalsada.

Sinubukan pang i-revive si Pasno ngunit binawian din ng buhay.

Si Pasno ay naging semi-finalist sa The Voice Kids Philippines noong 2015 kung saan 11-anyos pa lamang siya noon sa ilalim ng Team Bamboo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?