65

By ,

Dating coach, gagatasan si Osaka ng $2M

Tikom ang bibig ni world no. 1 Naomi Osaka tungkol sa kasong isinampa ng dating niyang coach.

Naghain ng kaso si Christophe Jean sa korte laban kay Osaka para habulin ang 20 percent sa career earnings ni Osaka na nararapat aniya sa kanya.

Pinagpilitan ni Jean na pumirma ng kontrata ang ama ni Osaka na si Leonard Francois noong mga panahon na kino-coach niya pa ang 21-anyos na si Naomi at kapatid nitong si Mari noong 2011.

May halagang $2 milyon ang hinihingi ni Jean sa $10 milyon na kinikita ni Osaka ngayon.

Sa panayam ng AFP kay Osaka, sinabi nito na hindi siya pwedeng magsalita tungkol sa naturang kaso at aminado na siya na pinagaaralan niya pa pagiging top player sa buong mundo.

“I am still relatively new at this so I can’t really say yet,” wika ni Osaka. “But maybe as more time goes on I will be able to get a better grasp of the situation.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?