324

Sep 23, 2018 @ 21:44
By

Dating CJ Sereno atras sa pagtakbo bilang senador

Kinumpirma ng kampo ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hindi siya tatakbo sa pagkasenador sa May 2019 elections.

Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, kaibigan at naging spokesperson ni Sereno sa kanyang impeachment trial, wala umanong balak si Sereno na sumabak sa senatorial race dahil pakiramdam nito ay mas marami siyang magagawa sa labas ng Senado.

“It’s true. She’s not running,” saad ni Lacanilao na unang nailathala sa ABS-CBN News online.

Kilalang oposisyon si Sereno, na dati ring napabalitang napupusuan ng Partido Liberal na isama sa kanilang senatorial slate, at naging mahigpit na krikiko ni Duterte matapos mapatalsik sa puwesto bilang chief justice noong Hunyo.

Nauna nang ibinalita na pinag-iisipan dati ni Sereno ang pagtakbo bilang mambabatas ngunit klaro na ang naging tugon ng kanyang kampo ngayong papalapit na ang petsa ng paghahain ng certificate of candidacy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?