67

Sep 8, 2021 @ 21:35
By

Dating CamSur Rep. Villafuerte pumanaw na

Pumanaw na si dating Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte ngayong araw sa edad na 86.

Kinumpirma ni CamSur Rep. LRay Villafuerte ang pagpanaw ng kanyang ama na nagsilbi ring gubernador ng probinsya ng 15 taon.

“It is with great Pain and Sadness that I announce the demise of a loved and dear one, My Father, Luis R. Villafuerte Sr., one of the most Illustrious political leaders of our country,” sabi ng nakababatang Villafuerte.

Ayon sa kanya, pumanaw ang kanyang ama alas-12:35 ng umaga sa St. Luke’s Medical Center- Bonifacio Global City, Taguig.

Ang nakatatandang Villafuerte ay naging miyembro ng Batasan Pambansa noong 1978.

Siya rin ay naging Minister of Trade sa ilalim ng gobyernong Marcos at naging kalihim ng Government Reorganization sa panunungkulan ni dating Pangulong Cory Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?