71

Jul 21, 2018 @ 15:09
By

Dating bise alkalde ng Maguindanao, itinumba sa Sultan Kudarat

Tinambangan at napatay ng hindi pa nakikilalang gunmen ang dating vice mayor ng Maguindanao sa Barangay New Isabela, Tacurong City kagabi.

Ayon sa report, naglunsad na ng manhunt operation laban sa mga salarin.

Idineklarang dead on arrival sa St. Louis Hospital sa Tacurong City ang biktima na si Roger Mamalo, 63, dating bise alkalde ng Sultan sa Barongis sa Maguindanao.

Sakay umano ng kanyang minamanehong sasakyan si Mamalo at pauwi na sana ng kanilang bahay sa Barangay New Isabela nang pagbabarilin siya ng dalawang suspek na nakaabang sa daan dakong alas-8:20 ng gabi.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?