Kilala ang aktor na si Baron Geisler sa pagiging mainit ang ulo, lasenggero at laging naghahanap ng away, ngunit ngayon, tila nag-iba na ang ihip ng hangin para sa kanya.
Sa kanyang Instagram post, buong ningning na ibinahagi ni Baron ang kanyang bagong buhay bilang aktibong miyembro ng Christian fellowship group.
“I need the power of God’s Holy Spirit to sustain me in the path of righteousness. It’s tough that’s why I am thankful to the men of KOK who are guiding me to stay sharp,” saad sa caption ni Baron.
Maaaninag sa mukha ni Geisler ang pagiging masaya sa bagong kabanata ng kanyang buhay, at dasal na sana’y manatili na ang aktor sa pag-was sa mga bisyo.