92

Sep 15, 2019 @ 13:25
By

Dating bakanteng lote ginawang basketball court ng mga Fil-Am

Pwede nang maglaro ang South of Market (SOMA) public mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-tres ng hapon sa UNDSCVRD (undiscovered kapag binasa) court sa San Francisco, California.

Bukas ang court hanggang Nobyembre, dahil mapapalitan ito ng pabahay para sa mga taong walang tirahan.

Handog ito ng SOMA Pilipinas at Kultivate Labs bilang parte ng UNDSCVRD series, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Layon ng serye na magbaliktanaw sa mga kultura at pamanang Pilipino sa San Francisco.

Mula Hulyo hanggang Oktubre, hinandog ng serye ang mga pagtitipon na puno ng musika, pagkain, at negosyong tatak Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?