28

By ,

Dating assistant sa Bucks, head coach ng Grizzlies

May bagong coach ang Memphis Grizzlies na mangunguna sa kampanya nito sa 2019-2020 NBA season.

Inanunsyo ng tropa na si dating Milwaukee Bucks assistant coach Taylor Jenkins ang magiging head coach nito at pormal siyang ipapakilala ngayong Miyerkoles (Huwebes sa Pilipinas).

Si Jenkins ay isa mga magagaling na batang teacher at tactician at hahawak niya ang Grizzlies na may roster na pinangungunahan ng beteranong si Mike Conley, Jr, forward na si Jaren Jackson, Jr. at Murray State point guard Ja Morant, na napipisil kunin ng koponan bilang No. 2 overall pick sa nalalapit na NBA draft.

“Taylor has an excellent coaching pedigree, and we are confident he will lay the groundwork of developing the young players on our roster while having the elite basketball acumen and forward-thinking positive vision to be a high-level NBA head coach,” sabi ni Zach Kleiman, executive vice-president of basketball operations ng Grizzlies sa isang statement.

Si Jenkins ang ikatlong NBA coach na umalis sa coaching staff ni Mike Budenholzer, kasama sina Quin Snyder ng Utah Jazz at Kenny Atkinson ng Brooklyn Nets.

Ayon sa sources ng ESPN, kung saan unang lumabas ang balitang ito, nagkaroon aniya ng wide search ang Memphis sa loob ng dalawang buwan at kinonsidera rin nila na kumuha sa EuroLeague, NBA at NCAA.

Tatlong beses nakipagkita si Jenkins sa ilang high-ranking officials ng Memphis kabilang na ang may-ari nito na si Robert Pera.

Naging assistant coach si Jenkins ng Milwaukee Bucks noong 2018-2019 season at Atlanta Hawks 2013-2018 season at nagsimula ang kanyang coaching career sa G League ng San Antonio Spurs sa Austin, Texas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?