150

Aug 3, 2022 @ 19:12
By

Dating asawa nanindigan para kay Vhong Navarro: ‘Truth will prevail, walang iwanan’

Nagpahayag ng suporta kay Vhong Navarro ang dati niyang asawa na si Bianca Lapus.

Nagkaroon ng isang anak sina Vhong at Bianca bago sila naghiwalay taong 2005.

Sa ngayon ay magkaibigan ang dalawa at co-parenting sa anak nilang si Isaiah, na kamakailan ay nagtapos ng college.

Muling nahaharap sa pagsubok si Vhong matapos iutos ng Court of Appeals ang pagsasampa sa kanya ng mga kasong rape at acts of lasciviousness batay sa reklamong inihain ng modelong si Deniece Cornejo noong 2014.

Binaligtad ng CA ang naging desisyon ng Department of Justice noong 2018 at 2020 na nag-dismiss sa mga reklamo ni Cornejo laban kay Navarro na attempted rape.

Samantala, sa kanyang Twitter account, idinaan ni Bianca ang suporta sa aktor.

Hindi man daw perfect si Vhong ay “good kind hearted man” ito.

“Standing by this GOOD MAN. Not perfect but definitely a good kind hearted man. Otherwise it won’t be easy for me to become friends and co parent with him. The truth will prevail. Walang iwanan,” sey ni Bianca.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?