8,345

Jun 10, 2019 @ 17:02
By

Dating asawa lumantad: Raffy Tulfo kinasuhan ng bigamy

Kinasuhan ang broadcaster na si Raffy Tulfo ng bigamy ng nagpakilalang dati umano nitong asawa.

Ayon sa abogadong si Atty. Lifrendo Gonzales, nireklamo ni Julieta Nacpil Licup si Tulfo ng bigamy sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City.

Sa reklamo, kinasal umano ang dalawa noong Oktubre 25, 1982 sa Capaz, Tarlac sa Office of the Mayor.

Hindi umano napawalang bisa ang kanilang kasal dahil hindi nagpa-annul si Tulfo o si Licup, kaya’t legal pa rin umano ang kanilang pag-iisang dibdib.

Noong 1995 ay kinasal si Erwin kay Jocelyn Pua, na inilalabang hindi balido dahil sa unang kasal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?