86

Sep 17, 2020 @ 17:40
By

Dating Army colonel nagyaya ng group sex, ari pinapalagyan ng lotion

Swak sa kulungan ang isang dating colonel ng Philippine Army matapos itong sentensyahan na guilty sa sexual harassment na sinampa ng mga babaeng sundalo.

Ayon sa desisyon ng Sandiganbayan 6th Division, hinatulan ng isang taong kulong si ex-PH Army Col. Jessie Mario Dosado dahil sa tatlong count ng sexual harassment.

Ito’y batay sa salaysay nina Master Sargeant Dynne Bersonda at Sergeant Florizel Suico na niyaya umano sila ng colonel sa isang orgy o group sex kasama ang isang ‘Miss Glacy’.

Bukod pa dito, ilan pa sa mga pinagawa umano sa mga babaeng sundalo ay pinapapahiran daw ng lotion ang maselang bahagi ng katawan ng colonel.

“There is no evidence to show that Bersonda and Suico had any reason for fabricating charges against the accused, or any ulterior motive for filing their respective complaints, wherein they demanded that the accused be dismissed from the service,” ayon sa desisyon ng Sandiganbayan.

Kinontra naman ni Dosado ang naturang paratang sa kanya, kung saan sinabi niya sa trial na kakuntsaba umano ng kanyang mga kalaban ang nagreklamo, at gusto umanong makuha ang kanyang posisyon.

Bukod sa kulong, multa din ng P60,000 si Dosado at bayad ng P5,000 kada count ng sexual harassment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?