200
abante-tnt-vismin-jose-lazada
Jul 31, 2018 @ 10:53
By

Dating ambassador Jose Apolinario Lozada Jr., pumanaw na

Sumakabilang-buhay na si dating Ambassador Jose Apolinario Lozada Jr., sa edad na 67.

Nagsilbi siyang ambassador ng Pilipinas sa mga bansang Austria, Palau at the Holy See.

Kilala rin siya noon bilang two-term congressman ng Negros Occidental.

Naglikod din si Lozada bilang Adviser for Foreign Affairs at Appointment Secretary ni dating Pangulong Fidel Ramos mula 1992 hanggang 1998.

Ayon sa ulat, na-confine umano si Lozada sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City dahil sa brain hemorrhage.

Si Lozada rin ang nagsabi na nagpagamot si Pangulong Rodrigo Duterte sa China at nakakasabay niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?