1,328

Sep 24, 2021 @ 12:01
By

Dating aktres na si Janet Bordon tigok sa kanser

Pumanaw na ang isa sa mga pantasya ng kalalakihan noong dekada ‘70 na si Janet Bordon sa edad na 61.

Kinumprirma ito ng kanyang kapatid na si Rozel sa isang Facebook post.

“Our so loving sister Janet passed at around 10:07pm today and she is now with the Lord and with our [loved] ones,” ani Rozel.

“No more pain Ate Net. We Love You so Much ATe Net.”

Aniya, kanser ang ikinamatay ng dating aktres.

“She battled cancer for 31 [years] and [nine] major operations since,” pahayag niya.

“On behalf of our family, thank you for all your prayers.”

Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ni Janet ang ”Tatak Yakuza,” “Virgin People,”“4 Na Maria,” at “Ako Si Emma, Babae!” kung saan nakatambal niya si Rudy Fernandez o Daboy. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?