60

Jan 10, 2022 @ 15:41
By

Dating AFP chief of staff pumanaw

Pumanaw na ang dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si retired Gen. Lisandro Abadia noong Linggo.

Siya ay 83-anyos.

Nanilbihan si Abadia sa AFP sa loob ng 36 taon, o mula 1958 hanggang 1994.

Naging chief of staff naman siya ng militar mula 1991 hanggang 1994.

Nakiramay naman ang AFP sa mga naulila ni Abadia.

“General Abadia served as the CSAFP (Chief-of-Staff AFP) in the early 90s and has paved the way for the professionalization of the military and the return of meritocracy in its promotion system. He also led the AFP Campaign Plan ‘Lambat Bitag’ that significantly decreased the strength of the communist terrorist group,” saad sa pahayag ni AFP spokesperson Army Col. Ramon Zagala.

“Again, we send our deep condolences and sympathies to his family,” dagdag pa nito. (MJD)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?