124

By

Dati kong kritiko si Roque – Duterte

Papuri ang natanggap ng dating presidential spokesperson na si Harry Roque sa kanyang dating pinagsilbihan na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang speech sa MassKara Festival, ibinida ng Pangulo ang matinding pagpapahalaga ni Roque sa human rights, na sinabing isa ito sa kinakailangang katangian sa Senado.

“But I think na kung may isa kang senador na ganito, he is a fighter for human rights. Noong nagpa-practice ito he used to criticize me,” pakli ni Duterte.

“Ako naman trabaho lang. I took it as part of the territory of being there in the office. Hindi ko naman kalaban sa politika nothing personal but criticizing me of course you can,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaan na si Roque ang humawak ng kaso ng masaker sa Maguindanao at ang pagpaslang sa transwoman na si Jennifer Laude.

Iniwan ni Roque ang kanyang puwesto matapos maghain ng kandidatura sa pagka-senador sa 2019 midterm elections, sa kabila ito ng tinuran ni Duterte na hindi umano ito mananalo dahil ayaw sa kanya ng mga militar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?