20

Data breach naiwasan sana kung NPO ang nag-imprenta ng passport – Zarate

Sharing is caring!

Isinisi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang passport data breach sa pagkuha ng gobyerno ng private sub-contractor para sa pag-imprenta ng mga pasaporte.

Giit ni Zarate, maiiwasan sana ang leakage sa impormasyon ng libo-libong pasaporte kung ang government enterprises tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Printing Office (NPO) ang siyang nag-imprenta ng mga ito.

Nababahala ang kongresista dahil malaki ang implikasyon sa seguridad ng pasaport data leakage dahil posible ang identity theft sa mga Filipinong nakuhanan ng personal data.

Dahil dito, nais ng mambabatas na maimbitahan sa Kamara si Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin para magpaliwanag sa insidente.

“So it imperative that DFA Sec. Teddy Boy Locsin should participate at the Congress hearings investigating the issue because there may be some very serious security implications that may be unearthed,” ani Zarate.

Matatandaang noong nakaraang taon ay inihain ni Zarate ang House Resolution 1608 para siyasatin ang anomalya sa passport printing na pinasok ng United Graphic Expression Corporation at APO Production Unit Inc., sa ilalim ng isang joint venture agreement. (pearl serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?