27
views

By

Dasmariñas, todo-pakondisyon para sa IBO world title

Sharing is caring!

Nagsisimula nang magpakondisyon si Michael Dasmariñas, tinaguriang ‘Hot & Spicy’ sa local boxing scene, bilang paghahanda sa pagsikwat sa IBO world championship title bout sa Abril 20 sa Ringstar Boxing ‘Roar of Singapore IV – The Night of Champions’ sa Singapore Indoor Stadium.

“Nakakagalak po at nabigyan tayo ng Ringstar ng ganitong pagkakataong mapakita ang ating galing bilang Pinoy. Ngayon po ay puspusan ang aking paghahanda. Tuloy-tuloy po ang ating ensayo dahil nais ko po makamit ang IBO world title na ito,” wika ni Dasmariñas.

Sasagupain ng WBC 12th ranked Pinoy fighter ang pambato ng France na si Karim Guerfi, pang-apat naman sa rankings ng WBC.

“Samahan n’yo po ako magdasal na makuha natin ang panalong ito. Ang panalo ko po ay pagkapanalo rin ng Pilipinas,” dagdag pa ng Camarines Sur boxer.

Galing si Dasmariñas sa impresibong KO win laban kay Thai opponent Phupha Por Nobnom sa nagdaang ‘Roar of Singapore III – The Chosen Wan’, nitong Oktubre 2017 sa Suntec Convention Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?