88
Dasmariñas, Demecillo bibida sa 'Rising Stars' Boxing Event
By

Dasmariñas, Demecillo bibida sa ‘Rising Stars’ Boxing Event

Magsasalpukan na ang mga future boxing star na sina Michael Dasmariñas at Kenny Demecillo para sa IBF world bantamweight title sa “Rising Stars” na gaganapin sa Resorts World Manila sa Marso 23.

May tangan si Dasmariñas na record na 28-2-1 (19 KOs) at naghahangad ng 10-match winning streak laban kay “Big Heart” Demecillo na may 14-4-2, 8KOs marka.

Parehas na 26-taong gulang, puspusan na ang paghahanda at pagkokondisyon ng dalawa para sa big event sa Newport Mall sa Resorts World Manila.

Handog ng MP Promotions at Ringstar Asia, hangad nilang makatagpo ng susunod na legendary fighter mula sa bansa.

Sa tulong ni Hall of Famer Manny Pacquiao ng MP Promotions, Ringstar Asia head Scott Patrick Farrell at Resorts World Manila executives nais nilang makita ang talento ng mga Pinoy fighter mula sa iba’t ibang sulok ng bansa.

“We are ecstatic to present this “Rising Stars” project. With our friends in the world of boxing, we could direct young and promising boxers to the right direction and become world champions, themselves,” pahayag ni Pacquiao.

“Working with Senator Manny Pacquiao and his promotion leaders, Joe Ramos and Sean Gibbons is a real honor. Our focus together is to unite Asia through boxing onto one super fight platform,” kwento naman ni Farrel.

Bukod sa laban ni Dasmariñas at Demecillo, aaksyon rin ang 10 pang mga kalahok para sa IBF minimumweight title.

Magtatapat rin sina Rene Mark Cuarto 16-1-1 (9 KOs), kontra kay 21-year-old at unbeaten Samuel Salva, 16-0 (10 KOs).

Sasabak din para sa junior flyweight bout sina Ronnie Balnonado vs Elias Joaquino; junior welterweight Lei Wang vs Adam Diu Abdulhamid; junior bantamweight Aries Buenavidez vs Lony Cadayday; flyweight Juston Darap vs Enrique Magsalin; featherweight Muhamad Ridhwan vs Cris Leon; minimumweight Jayson Brillo vs Joel Cago; flyweight Raymark Jay Ibones vs Henry Lumanan at junior bantamweight Luis Borje vs Bernie Aday.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?