95
chess
Oct 23, 2017 @ 14:18

Dasma, kuminang agad sa Batang Pinoy

VIGAN CITY, Ilocos Sur — Kuminang ang Dasmariñas City gaya ng inaasahan matapos walisin ang unang apat na gintong medalyang pinagrambulan sa Philippine Sports Commission-11th Batang Pinoy 2017 Luzon Games rapid chess boys and girls, 15-under & 12-below noong Linggo ng gabi sa Baluarte Zoo Function Room sa Brgy. Tamag dito.

Na-sweep lahat ng mga veteran internationalists at top seededs na sina B & G U15 bets Daniel Quizon at Kylen Joy Mordido, at B 12-below player Michael Concio, Jr. ang mga tig-pipitong karibal sa pag-iskor ng 7 points sa board games na nilahukan ng 116 woodpushers.

Wagi naman sa tiebreak si Jerlyn Mae San Diego sa G 12U laban kay Calamba City’s Raiza Mae Lacmayoan 33.5-32.0 pts., tapos silang magkaparehas sa 6.5 pts. at mag-draw sa kanilang laban para sa pang-apat na tagumpay ng nabanggit na lungsod, na kilala ring University City of Cavite at Melting Pot of Cavite.

“Maganda lang ang suporta ng aming LGU (local government unit) sa pangunguna ng aming Mayor (Elpidio) Barzaga (Jr.) kaya laging palaban ang mga bata. Sana ganun din ang gawin ng iba para sa kanilang team,” wika nina Dasma chess team coach FIDE Master Roel Abelgas at assistant coach Armand Subaste.

Kahapon nilatag ang first round chess standard bago ang round 2-3 ngayon, 4-5 sa Miyerkules at 6th-7th sa Huwebes at ang blitz sa Biyernes na huling araw ng weeklong biennial meet, na ang lalawigang tinaguriang Heart of Ilocandia at Land of the Free ang host. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?