8

By

Dash cam, breath analyzer tengga sa DOTr – COA

Sharing is caring!

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang hindi paggamit ng Department of Transportation (DOTr) sa mga dash camera at breath analyzer na binili ng ahensya.

Base sa 2017 annual report ng COA, bumili ang DOTr ng P6.8 milyong halaga ng dashboard camera at P14.9 milyong halaga ng alcohol breath analyzer.

Pero sa 89 units ng dash cam, 76 units ang hindi pa naikakabit sa mga sasakyan ng Land Transportation Office (LTO).

Sa 606 units ng breath analyzer, 386 ang hindi pa naipamamahagi sa traffic enforcers.

Sabi ng COA, nabalewala ang layunin sa pagbili ng naturang mga gamit na mapabuti ang road safety.

Ayon naman sa DOTr, nakipag-ugnayan na sila na supplier ng dash cam para maikabit ang mga ito sa mga sasakyan ng LTO.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?