18

Oct 13, 2021 @ 19:17
By

Dasal sa mga namatay puwede sa Undas Online

Bubuksan muli ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang “Undas Online” para sa mga hindi makakabisita sa puntod ng mga namayapang mahal sa buhay.

Matatandaang napagkasunduan ng mga alkalde ng Metro Manila na isara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo sa rehiyon mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos, ito ay para maiwasan ang mga superspreader event sa paggunita sa Undas.

Pahayag ni Fr. Jerome Secillano, CBCP Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs, maaari nilang ipanalangin ang mga patay.

Noong nakaraang taon ay inilunsad din ng CBCP ang Undas Online.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?