3,264

Jun 16, 2020 @ 9:42

Siniraan ang ABS-CBN: Daryl Ong, Bugoy Drilon sinibak

Sa YouTube channel ni Daryl Ong idinaan ang paliwanag niya kung bakit hindi na siya mapapanood pa sa ABS-CBN. Marami nga ang nakapansin na napapadalas sila ni Bugoy Drilon sa GMA.

Anyway, sa kuwento ni Daryl Ong, may show raw sila noon sa Ilo-Ilo, at pagdating niya sa airport, inabutan niya si Bugoy, at isang babae na nagtatrabaho sa ABS-CBN noon, at pati na isang lalaki.

“May ka-table si Bugoy na isang babae na dating nagwu-work sa ABS-CBN. So, bati-bati.

“Na-bring up ni Bugoy ang topic about stocks. Kwentuhan sila ni Michael Pangilinan about stocks. ‘Yung babae na dating nagwu-work sa ABS-CBN, nag-butt in siya, na-bring up niya ang current situation that time regarding the franchise issue.

“Biro niya, ‘bakit di ka mag-invest sa ABS-CBN? Ayan o bagsak.

“Si Bugoy nabanggit niya yung nakita niyang petition sa online, na need ng 1 million signatures sa petition. Hindi ko alam ang full details kung ano `yon. Parang sabi ni bugoy, 60K na lang ang kulang para mabuo ang 1 million.

“Ako naman ang nakita ko, ang pagkakatingin ko, 60K pa lang ang nag-sign. May deadline noong time na `yon, na dapat bago umabot sa petsa na ito, mabuo na ang 1 million. So sabi ko, malabo na `yon.

“Nag-comment ako na mahirap yan, malabo `yan, kalaban ba naman nila ang gobyerno, si President ba naman ang kalaban. Doon na po nagtapos ang usapan namin about sa franchise issue.

“Ang hindi namin alam, ‘yung isang lalaki na katabi pala namin, ni-record ang usapan namin.

“So yun na, nag-show kami sa Ilo-Ilo. After ng show, dinner, celebrate, bigla `yung road manager namin, aligaga.

“Tinawag kami ni Bugoy, nagpa-panic na sila, yung manager namin sa kabilang fone, hindi ko masasabing galit, actually more of nag alala siya.

“Yung guy na nag-record sa usapan namin, nagkataon kaibigan pala ng isang big boss sa ABS-CBN. Pinarinig ang recording at ang dating sa kanila wala kaming utang na loob. Parang wala kaming concern.

“Parang ang dating kumakampi kami sa fact na hindi mari-renew ang license. Hindi na kami nabigyan ng chance magpaliwanag.

“Pagbalik sa Manila, meeting ako ng manager ko. Kinuwento na `yun na nga, na banned kami ni Bugoy sa ABS-CBN. May order daw na bawal na kaming lumabas sa lahat ng shows ng ABS-CBN.

“Kaya ko ito kinuwento, kasi bago mag-lockdown, mapapansin niyo nag-guest kami sa Eat Bulaga. Marami nagulat.

“Dapat kasi may show kami, pero nag-ecq na nga, hindi na natuloy.

“So, bawal kami ni Bugoy sa ABS-CBN, at nagpapasalamat kami na nabigyan kami ng chance na mag-promote sa Eat Bulaga. Nung time na yon walang paglipat na nagaganap.

“Ayoko rin na isipin ng ibang tao na balimbing kami.

“Kaya ikinuwento ko na lang. Hindi ako umalis sa ABS, ako ang inalis. Banned po ako dahil sa napagkuwentuhan naming ng franchise issue.

“Na-guilty ako para kay Bugoy, kasi nadamay lang siya. Wala naman siyang kinalaman doon.

“Nakakalungkot lang na hindi kami nabigyan ng chance na magpaliwanag. Kilala ko ang nagpa-ban sa akin, pero hindi ko na lang babanggitin.

“Wala po akong galit sa kanial. Wala akong karapatan na hindi magpasalamat sa kanila. Habangbuhay kong ipagpapasalamat yon,” ang mahabang kuwento ni Daryl.

Anyway, pinasalamatan ni Daryl Ong ang lahat ng mga nakatrabaho niya sa Dos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?