62

Aug 5, 2022 @ 21:52
By

Darryl Yap: Mga Marcos matagal nang pinalalabas na mga ‘halimaw’

Inamin ni Direk Darryl Yap na binasura niya ang lahat ng research niya para sa pelikulang “Maid in Malacañang” dahil gusto niyang magkaroon ng humanity para sa pamilya Marcos na matagal na panahon na raw pinalabas na masama.

Sumalang si Yap nitong August 5 sa interview ni Boy Abunda, kung saan tinanong kung nagkaroon nga ba ng history distortion sa “MIM”.

“I can’t do a biopic. Hindi ako ganoon kaseryosong tao Tito Boy pero hindi ko ipapahamak ang sarili ko sa pelikula. So I did research, noong umabot kami ng 50 million [views] sa ‘Len-Len’ I already have a purpose,” sey ni Yap.

“Sinabi ko kay Boss Vic, ‘It’s already 50 million, let’s take this people inside Vivamax. Give me a research team.’ Pero Tito Boy trinash ko lahat ng research. You know why? I don’t wanna dwell! Ayoko na doon! I want humanity for the Marcoses. They’ve been projected to be monsters for the longest time. Na parang if you see them, parang iilag ka. Parang Imelda is like super taas or parang Filipino mega-royalty something like that eh,” dagdag pa niya.

“So noong naka-research na ako, nakakuha ako ng footages from PTV, from ABC News abroad, from ABS-CBN… so sabi ko, I don’t wanna dwell in that. Let’s make them human. So paano sila magiging human Tito Boy? Sino ba ang nakakita ng totoong na nararamdaman nila sa mga oras na ‘yon? Maliban sa mga sarili nila. Ayan ang mga kasambahay nila,” dagdag pa niya.

“So sabi ko gusto kong pag-usapan ‘yon. Never ko kasing nakita si Ferdinand at Imelda na galit na galit kay Enrile… galit na galit kay Cory – hindi ako naniniwala. Sabi ko kahit sinong tao sabihan ka ng hindi magaganda, traydorin ka, iwanan ka sa ere, kapag talikod mo sa camera sasabihin mo ‘yung totoo sa pamilya mo. Sa ayaw at sa gusto mo makikita ng tao.

“Is there distortion for personal emotions? Is there any historical impact pag umiyak si Imee Marcos dahil nasaktan niya nung trinaydor ang kanilang ama? Ininvalidate ko ba ‘yung pang-aabuso kapag nakita kong nasaktan din si Ferdinand Marcos Sr.? It’s polarizing but it’s true.

“‘Yun ang tanong ko eh kapag sinasabi nilang babaguhin nito ang history, anong nakakapagbago ng history kapag pinilit ni Irene si Ferdinand na umalis na tayo dito? Mayroon ba akong nabago sa kasaysayan? Kapag ang mga katulong gustong makipagpatayan at makipaglaban sa EDSA, meron ba akong binago sa kasaysayan?

“‘Yun ang magiging tanong ko sa mga kasamahan ni Direk Joel. The reason they’re angry and mad sa mga Marcoses is because they thought Marcoses have no heart. Akala nila ang mga Marcos, kamay na bakal lamang at matigas ang puso,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?