48

Aug 5, 2022 @ 20:42
By

Darryl Yap kinilig nang mabuwisit si Joel Lamangan

Kinilig daw si “Maid in Malacañang” Director Darryl Yap nang ma-provoke niya ang beteranong direktor na si Joel Lamangan.

Matatandaang nangako si Direk Joel na gagawa ng pelikula para kontrahin ang “Maid In Malacanang” ni Darryl, isang pagsasadula tungkol sa huling 72 oras ng mga Marcos sa Malacañang bago sila tumakas patungong Hawaii noong 1986.

Sa interview ni Boy Abunda kay Yap na ipinalabas sa kanyang YouTube channel, sinabi niyang nang mapagtanto niya ang komento ni Lamangan sa kanyang pelikula ay napaisip daw siya kung para saan ito.

“Kinilig ako kasi sa loob-loob ko, nakaka-provoke na ako ng Joel Lamangan… Noong unang narinig ko ‘yun, kinilig ako. Pero habang nagsi-sink in sa akin, I’m starting to think if he’s really magaling. I’m starting to think it that way.

“I don’t think it in a very mayabang manner, pero kasi isa ito sa mga heroes ko. So ako, inisip ko, itong manlilikha ng pelikulang ito, na idolo ko, nagsasalita tungkol sa pelikula, una hindi pa niya napapanood, pangalawa hindi pa tapos.

“So sinabi ko, hinayaan ni Direk Joel na mauna ang kanyang emosyon kesa sa kanyang utak pagdating sa ganito? All artists are emotional. I get that.

“Pero dun ako nagduda para saan ang statement na ‘yun? Kasi everytime I make a statement kailangan merong para saan? Para kanino? Anong mahihita ko rito? So ang unang pumasok sa isip ko ito ba ay promotion para sa isang parating na pelikula? Ito ba ay para hindi kumita ang pelikula ko? Pag inaabogado ko siya sa sarili ko, lahat negative eh.

“Ito ba ay ginagawa ni Direk Joel para makatulong sa Viva, kumita ang ‘Maid In Malacañang’? Hindi eh. So I started doubting. I started doubting kung ano ang nasa isip ngayon ni Direk Joel,” pahayag ni Yap.

“Kasi If you’re going to ask me I’m not hurt. Not a bit. I’m super kilig he’s saying ‘Maid in Malacanang.’ Puro na lang kayo ‘Maid in Malacanang,’ what’s the sense of that statement, ngayon ko lang ginawa ang ‘Maid in Malacañang’? Hindi pa kami nun nagpo-promote. Ang unang promotion ko teaser, pangalawa trailer.

“I find Direk Joel very selfish. It’s as if he has the monopoly of stories and the truth. No offense to other old people but I think he’s old na to do that. Tayo, kapag nandun na tayo sa isang bahagi ng buhay natin, wala na tayong kailangang patunayan, pero may ipinaglalaban ka, puwede mong gawin ‘yun Tito Boy na hindi nangmamaliit ng tao, nanghahamak or nagsasabi ng kasinungalingan.

“Paano siya nakakasiguro na ire-revise nito ang history. Paano siya nakakasiguro na hindi na-acknowledge ng Maid in Malacañang ang mga pang-aabuso, ang pag-iwan ng pera, ang pagkakaroon ng maraming sapatos?

“Nag-isip ba si Direk Joel? Paano kung mapahiya siya kapag napanood niya (ang Maid in Malacacañg),” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?