242
Darren handang makipag-ayos kay JK Labajo
By

Darren handang makipag-ayos kay JK Labajo

Hindi nakaiwas si Darren Espanto sa isyu ng pagmumura ni JK Labajo sa isang fan sa Rakrakan Music Festival.

Sa press conference ng upcoming concert tour niyang “The Aces” kasama sina Lani Misalucha at Jona, sinabi ni Darren na hindi siya ang tamang tao para tanungin hinggil sa pagmumura ni JK sa audience matapos siyang tawagin na “Darren Espanto”.

Pero para kay Darren, kung sa kanya nangyari na nagkamali ng pagtawag sa kanyang pangalan ay ayos lang sa kanya.

Imbes umano na masamain niya ang pagtawag ay sasagutin na lang niya ang audience ng “I love you too”.

“I love you too! Kasi nandu’n siya, ako ‘yung nagpe-perform sa stage. Sinigawan mo ako ng ‘I love you!’ babalikan kita ng ‘I love you!’ Oo. Ako ‘yung nandu’n, eh,” sabi ni Darren.

Sobrang thankful naman umano si Darren sa suporta sa kanya ng mga fan na Darrenatics at sa pagdepensa sa kanya laban sa mga basher matapos ang insidente kay JK.

Nilinaw naman ni Darren na willing siyang makipag-ayos kay JK na sa tingin niya ay gusto ng nakararami.

Sa darating na March 30 ang “The Aces” concert sa Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?