126

Oct 4, 2021 @ 20:33
By

‘Darna’ series ididirek ni Chito Roño

Pihadong de-kalibre ang inaabangang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series”.

Napili kasing magdirek nito si Chito Roño, na siyang director ng mga highly-acclaimed box office film tulad ng “Dekada ‘70” at “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?”

Dinirek din niya ang mga hit Kapamilya series na “Imortal”, “Lastikman” at “Spirits”.

Sa Instagram inanunsyo ng ABS-CBN ang tungkol dito.

“The highly anticipated ‘Darna: The TV Series’ will soon be taking flight with acclaimed box office director Chito S. Roño at the helm,” saad ng ABS-CBN.

Samantala, bukas, Oct. 5 ipakikilala na ang mga aktor at aktres na makakasama ni #Darna, na gagampanan ni Jane de Leon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?