51

May 18, 2020 @ 9:53
By

‘Darna’ na COVID frontliner pinipinta

Agaw-pansin ang isang gusali sa Quezon City na pinipintahan ng larawan ng kathang-isip na superhero na si “Darna”.

Pero isang medical frontliner ang Darna na nililikha ng mga pintor sa nasabing pader, sa tweet ni radio correspondent Isa Avendaño-Umali kagabi.

Suot nitong Darna ang face mask sa mukha, kapa na watawat ng Pilipinas sa likod, at stethoscope na nakasabit sa leeg.

Sa gilid nitong mural, na ginagawa ngayong may coronavirus pandemic, may makikitang banner na nakalahad ang katagang “Thank You to our Frontliners” at bandila ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?