426

Nov 27, 2019 @ 20:59
By

Darna! Marian at Jane nagtagpo

Sa bibihirang pagkakataon, nagkita ang dati at kasalukuyang “Darna” na sina Marian Rivera at Jane de Leon.

Ibinahagi ni Marian ang litrato nilang magkasama ni Jane sa kanyang Instagram Stories.

Nagkita ang dalawa sa isang media event ng beauty clinic na kapwa nila ineendorso.

“Nice to meet you, Jane!” sabi ni Marian sa IG post.

Gumanap na “Darna” si Marian sa Kapuso TV series noong 2009.

Si Jane naman ang gaganap sa sikat na Pinay superhero sa Star Cinema upcoming film matapos mag-back out si Liza Soberano dahil sa nabali niyang daliri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?