104

Oct 12, 2017 @ 13:40

‘Darna’ director, Maning Borlaza pumanaw na

Sumakabilang buhay na ang film director at veteran writer na si Emmanuel “Maning” Borlaza dahil sa atake sa puso. Siya ay 82 anyos.

Kinumpirma ito ng pamangkin ng direktor na si Roy Ramirez kay Mario Dumaual ng ABS-CBN News.

Si Borlaza ay nakagawa na ng 20 pelikula na karamihan ay pinagbidahan nng award-winning actress Vilma Santos.

Kabilang ang mga pelikulang nagawa niya ay “Bakit Kailangan Kita?” “Gusto Ko Siya Mahal Kita,” “Ibigay Mo Sa Akin Ang Bukas” and the fantasy films “Dyesebel,” “Darna and the Giants” and “Lipad, Darna, Lipad!”

Siya rin and direktor ng mga patol na pelikula ni Sharon Cuneta tulad ng “Bituing Walang Ningning,” “Bukas Luluhod Ang Mga Talaga” at “Dapat Ka Bang Mahalin.”

Si Borlaza ay dating vice chairman ng Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB) at chairperson din ng Directors’ Guild of the Philippines, Inc.

Naging direktor din niya “Dyesebel” na pinagbidahan ni Charlene Gonzales noong 1996.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?