10

‘Darkhorse’ La Salle, may papatunayan sa UAAP

Sharing is caring!

Handang patunayan ng De La Salle University Green Archers na kahit marami ang nawala sa kanilang koponan ay lalaban pa rin sila hanggang sa dulo.

Marami ang nawala sa koponan kagaya nina Prince at Ricci Rivero, Abu Tratter, Ben Mbala at ang kanilang coach na si Aldin Ayo ngunit magbabalik pa rin sina Kib Montalbo, Aljun Melecio, Jollo Go, at Andrei Caracut.

Sa pag-alis ni Ayo, pinalitan siya ng dati niyang assistant na si Louie Gonzalez kaya naman hindi problema ang magiging relasyon niya sa kanyang mga manlalaro.

Ang Green Archers ang koponan na may pinakamaraming nawala kaya naman kahit umabot sila sa Finals noong nakaraang season, magiging mahirap para sa kanila ang makabalik sa tuktok.

Una nilang makahaharap ang Far Eastern University Tamaraws sa Linggo, Setyembre 9, sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?