8

May 5, 2021 @ 16:21
By

DAR namahagi ng gadgets sa magsasaka ng N. Ecija

Namahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng mga gadget sa ilang grupo ng magsasaka sa Nueva Ecija upang mapaunlad ang kanilang pakikipagtransaksyon lalo na sa pagbebenta ng kanilang mga produkto.

Ayon kay Romeo S. Cordero, program officer ng DAR sa probinsya, 44 na laptop at 53 android phones ang kanilang ibinahagi sa halos 100 mga cluster ng magsasaka, na tinawag nilang agrarian reform beneficiaries (ARBs).

“The information and communications technology will help modernize the business operations and outlooks of our agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs). Through it, they can buy farm inputs and sell farm products online with ease,” ani Cordero.

Sinamahan na rin nila ng mga modem ang mga gadget upang masiguro na ang bawat benepisyaryo ay magkakaroon ng koneksyon sa internet.

Bukod pa dito, sasailalim din sa training ang mga magsasaka tungkol sa tamang paggamit ng naturang mga gadget at kung paano makipag transaksyon online.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?