5

By ,

Daquis, Paat gigiyerahin ang Petron

Sharing is caring!

Dinomina ng Cignal HD Spikers ang Sta. Lucia Lady Realtors para sikwatin ang ikalawang sunod na panalo, 25-17, 25-11, 25-18, sa Philippine Superliga All Filipino Conference, Martes ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nanguna sa Cignal si Mylene Paat na pumalo ng 19 puntos sa likod ng 14 attacks. habang ang kapitana naman na si Rachel Anne Daquis ay may 11 puntos.

Akyat ang HD Spikers sa 3-2 baraha kasosyo ang F2 Logistics sa ikatlong pwesto.

“Naging composed sila tapos ginawa namin lahat ng proseso sa ensayo, so maganda ang kinalabasan,” wika ni coach Edgar Barroga, na umaasang na mas maganda pa ang maipapakita ng kanyang tropa sa oras na makaharap ang defending champion Petron sa Sabado.

“Gusto kong makita ‘yung game nilang ‘yun (na confident sila) kapag mga team-to-beat ang mga kalaban namin,” aniya.

Samantala, patuloy naman ang paglubog ng Sta. Lucia na bitbit ngayon ang 0-4 baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?