115

Jun 3, 2019 @ 15:41
By

Daquis, Maraño, Dionela eeksena sa PSA Forum

Bilang paghahanda sa Philippine Superliga All Filipino Conference na gaganapin ngayong buwan, tampok ang ilang mga opisyal at mga volleyball superstar ng torneo sa special session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel-Manila.

Kasama ang San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), mangunguna sa talakayan si PSL chairman Philip Ella Juico kabilang rin ang ilang league officials.

Inaasahan ding dadalo sa weekly sports forum sina Ara Galang at Aby Maraño mula F2 Logistics Cargo Movers; Rachel Ann Daquis at Jheck Dionela ng Cignal HD Spikers, Jaja Santiago at Mina Aganon mula ng Foton Tornadoes, Mika Reyes at Ces Molina galing Petron Blaze Spikers at Chiara Permentilla at Caitlyn Viray ng Marinerang Pilipina.

Iniimbitahan na dumalo ang lahat ng PSA members na magsisimula alas-10 ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?