65

Feb 26, 2020 @ 15:10
By

Daquis, Cignal HD ‘kumontak’ sa langit

Kakayod pa papasok sa Philippine SuperLiga Grand Prix 2020 ang Cignal HD Spikers upang masungkit ang korona.

Hindi katulad ng ibang koponan na sumailalim sa malaking revamp, matatag pa rin ang line-up ng Cignal ngayong Grand Prix kasama sina team captain Rachel Anne Daquis, veteran Jovelyn Gonzaga at Alohi Robins-Hardy.

Target ng HD Spikers ang championship ngayong taon matapos ang kanilang fourth place finish noong nakaraang Grand Prix.

“Of course kung mabibigyan ng opportunity para mag-champion, why not kasi lahat naman kami dito ‘yun ang goal,” saad ni Cignal assistant coach Shaq Delos Santos.

“Hopefully in God’s will makapasok kami ng Finals.”

Magpapalakas din para sa HD Spikers ngayong taon si new acquisition Fiola Ceballos at si Cuban import Jennifer Yanet Alvarez.

Unang makakaharap ng Cignal ang Generika-Ayala Lifesavers sa darating na Marso 3, alas-3 ng hapon na gaganapin sa FilOil Flying V Centre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?