266

Nov 3, 2018 @ 21:19
By

Daquis bagong PSL ambassador

Nahirang bilang bagong ambassador ng Philippine Superliga (PSL) si Cignal HD Spikers outside hitter Rachel Anne Daquis kapalit ni F2 Logistics Aby Maraño.

Kasabay ng opening ceremony ng All-Filipino Conference ng liga, pinangalanan si Daquis bilang bagong ambassador ng nasabing liga.

Para kay Daquis, isang malaking karangalan ang mapili bilang ambassador ng isa sa mga prestihiyosong volleyball league sa bansa.

“Siyempre it’s a great opportunity na maka-inspire ka pa lalo ng mga tao, lalong-lalo na ikaw ngayon ‘yung parang face ng Philippine Superliga. Gusto ko maging role model sa mga bata at co-athlete ko,” wika ni Daquis.

Para kay Daquis isang malaking trabaho ang nakaatang sa pagiging ambassador ng PSL at bilang bahagi ng responsibilidad nito kailangan niyang maging ate at senior sa iba pang manlalaro.

Inamin din nito na sinuguro niya muna kung siya talaga ang tinalaga sa nasabing trabaho dahil busy siya ngayon sa iba pang bagay pero nagpapasalamat pa rin ito dahil naiintindihan aniya siya ng liga.

“Kahit alam ko na medyo busy ako, gagawin ko pa rin ‘yung role ko,” pagtatapos niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?