113

Jul 25, 2019 @ 11:45
By

Daquioag garahe pa rin sa Game 3

Mas malamang na ‘di pa rin maglaro si Rain or Shine guard Ed Daquioag sa deciding Game 3 ng PBA Commissioner’s Cup quarterfinals kontra Blackwater.

Tip-off ay 7PM mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Inabot ng injury si Daquioag sa Game 1 ng best-of-three series noong Sabado, ‘di na pinasok sa second half tapos umiskor ng team-high 19 points, may tig-3 rebounds at assists sa 83-80 win ng Elasto Painters.

Nitong Martes sa Big Dome, ‘di naglaro si Daquioag at tinakbo ng Elite ang 100-96 win para puwersahin ang sudden-death.

“Out na siya,” ani coach Caloy Garcia. “If we make it to the semis, sa Game 1 puwede na siya.”

Pipigain ni Garcia sina Carl Montgomery, locals Javee Mocon, Mark Borbora, Rey Nambatac at Beau Belga para masabayan ang enerhiya ng Blackwater.

“Coming to Thursday, ‘di ako naniniwala doon sa who has less experience,” giit ng coach. “I think whoever wants it more (will win).”

Sapul nang pumasok sa liga noong 2014, ‘di pa nakakarating ng semifinals ang Elite. Katunayan, ang No. 3 seeding ngayon ang pinakamataas nilang inabot sa playoffs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?