26

Apr 10, 2020 @ 15:27
By

Dapat may kampeon sa NBA – Magic Johnson

Kung si NBA legend Magic Johnson ang tatanungin, dapat lang na matuloy pa rin ang liga ngayong season, kahit pa ibig sabihin na walang fan na manonood ng live sa stadium.

Ayon kay Johnson sa CNN, mahirap man ay kailangan pa rin na matuloy ang NBA sa kabila ng banta ng COVID-19.

“Let’s say the NBA comes back without fans. Once you play one game without fans you will adjust to not having fans there,” saad ng part owner ng LA Dodgers.

“We’ve all played our whole life on the playgrounds and pickup games without fans being there. So basketball players will adjust, trust me.”

Aniya pa, makakatulong ang pagbabalik ng NBA sa mga Amerikano na nahaharap sa panganib ng virus.

Isa pa, nais pa umanong makita ni Magic kung magiging kampeon ang Lakers ngayong season, na una sa Western Conference standings bago masuspende ang NBA season, at pinapangunahan nina LeBron James at Anthony Davis.

“Those guys want to see who is the world champion. Listen, if they have a chance to go back and they are all healthy, and they all get tested, they will go back to crown a champion,” saad ni Magic.

“They want to see who is the best team in NBA. I am looking forward to seeing if the Lakers can win a championship.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?