38

Dec 7, 2017 @ 11:24
By

Dapat laging naka-high alert sa NPA – Biazon

Nababahala si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na maging mas malaking banta sa seguridad ng bansa ang New People’s Army (NPA) sa susunod na taon.

Kasunod ito ng tuluyang pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines (CPP) at NPA bilang mga terorista.

Ayon kay Biazon, vice chairman ng House Defense Committee, dapat nang asahan ang pagpapaigting ng opensiba ng rebeldeng komunista lalo’t nasantabi na rin ang negosasyong pangkapayapaan.

“With the President’s declaration of the NPA as terrorists, we could expect the increased tempo of encounters between government forces and the rebels,” sabi ni Biazon.

Dahil dito’y hinimok ng kongresista ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na manatiling naka-heightened alert ang buong puwersa.

“2018 could usher in a heightened security threat from the NPA necessitating the AFP and the PNP to be on heightened alert proactively,” ayon kay Biazon. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?