9

Dapat ipaliwanag din ng mga senador ang kanilang pondo – Andaya

Sharing is caring!

Sa gitna ng alegasyong budget insertions ng mga kongresista, hinamon ng liderato ng Kamara ang mga senador na tingnan rin ang kani-kanilang pondo.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., kung nakita ng Senado ang umano’y malalaking alokasyon sa distrito ng mga kongresista, dapat tingnan din nila ang sa mga senador o boluntaryong magbigay ang mga ito ng breakdown ng kanilang mga pondo na mas malalaki pa kumpara sa alokasyon ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sabi ni Andaya, ipinasok ng mga senador ang kanilang pondo sa national budget bago pa isinumite ng Malakanyang sa Kamara ang National Expenditure Program (NEP).

“Siguro it would fair na sabihin din nila at saan inilagay ‘yung pondo nila sa budget. Ang sistema na ginawa nila bago iprinisenta ‘yung budget sa Congress, napasok na po nila yung requests,” ani Andaya.

Maliban anya kay Senador Ping Lacson, lahat ng senador ay may pondo para sa kanilang mga proyekto.

Ipinauubaya rin nito sa Senado ang pagtukoy kung sino ang tumanggap ng P8-billion na alokasyon.

“Yung pinakamalaki is around P8-B. Siguro kung nahanap sa Senado ang alokasyon ng mga kongresista] mahahanap din kung sino ‘yun,” hamon ni Andaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?