142

Feb 5, 2020 @ 17:26
By

Dapat ikulong! Faeldon guilty sa anomalya sa GCTA – Senate panel

Inirekomenda ng Senate committee on justice and human rights na ipakulong at i-disqualify na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon kaugnay ng pagkakasangkot nila sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) controversy.

Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng komite, napatunayan nilang malaki ang papel nito sa pagpapalaya ng ilang persons deprived of liberty (PDLs) na kuwalipikado sa ilalim ng GCTA law.

Matatandaan na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Faeldon, Setyembre 2019 matapos nitong parubahan ang pagpapalaya sa ilang henious crime prisoner, kabilang si dating Calauan City mayor Antonio Sanchez, na nakulong dahil sa pagpatay at panggahasa sa dalawang estudyante ng University of the Philippines.

Sabi ni Gordon, nagkunwari umanong walang alam si Faeldon tungkol sa Department Order 953 na inisyu ng Department of Justice na nagre-require sa kanyang kunin umano aapproval ng Justice Secretary sa pagpapalaya ng mga preso na nasentensiyahan ng life imprisonment.

Hindi rin umano nag-ingat si Faeldon sa pagpapatupad ng Republic Act 10592 na nagpapalawig sa probisyon ng GCTA na pumapayag na mas maagang paglaya ng mga preso.

“Knowing that the DOJ has administrative supervision over BuCor and considering the gravity of the crimes of former Mayor Sanchez, Faeldon should have consulted with the Secretary of Justice regarding this,” sabi ni Gordon sa Senate Committee Report No. 36.

“His failure to consult the Secretary of Justice is gross inexcusable negligence on his part and shows how he did not exercise due diligence,” dagdag pa nito.

Sabi pa ni Gordon, nilabag din ni umano dating BuCor chief ang Section 3 ng Anti-Graft and Corruption Practices Act (RA No 3019) at dapat pagbawalan nang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Bukod diyan, inirekomenda rin ng Senado ang pagsibak sa serbisyo kina BuCor document and record section chief, Ramoncito Roque; Benilda “Mabel” Bansil, BuCor senior inspector; at Veronica “Boday” Buno, correction officer dahil sa direct bribery.

Ang tatlo ay napatunasyang tumanggap ng pera mula sa mga presong pinangakuan nila ng maagang paglasya.

Dapat din umanong i-dismiss sa serbisyon ang tatlong opisyal ng New Bilibid Prison (NBP) hospital na bahagi ng “hospital pass for sale’ scheme.

Ang tatlo ay sina Dr. Ernesto Tamayo, head directorate for health services; Dr. Ursicio Cenas, medical officer ngNBPH; at Meryl Benitez, nurses naturang ospital.

Sabi ni Gordon, ang tatlo ay guilty rin sa pagtanggap ng pera mula sa high-profile inmates na naka-confine sa NBPH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?