50

Apr 20, 2020 @ 13:00
By

Dapat ganito! Relief goods sa Palawan town pang-1 buwan

Kabilang ang isang sako ng bigas sa pinamahaging tulong ng pamunuan ng Narra, Palawan sa bawat pamilya roon.

Sa Facebook, binalita ni AL Bert ang natanggap niyang relief goods mula sa pamunuan ni Mayor Gerandy Danao. Nilinaw niyang pinagsama-sama lang nila ang natanggap ng tatlong pamilya dahil “iisang bahay lang nilulutuan namin.”

“30 pcs ( sardines)
30 pcs ( noodles)
30 pcs (instant coffe)
6 pcs ( soap)
3 sacks of rice ( 20kls each sack) *HINDI NFA ??,” sambit ni AL Bert, Marso 28.


Sa larawan mula naman kay Lyle Coruna, makikitang direktang tumulong ang alkalde sa pagbubuhat ng relief goods para sa mga residente.


Si Danao ay dating goat farmer na winaksan ang 3-dekadang pamumuno ng Damaala clan sa naturang bayan.

Inulan siya ng papuri online, at hinambing sa ibang mga politiko na pang-ilang araw lang umano ang binigay na relief goods sa gitna ng COVID-19 crisis sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?