134

Jun 29, 2020 @ 12:11
By

Dapat ‘di na ako lumabas: KC Montero inaresto sa bar sa Makati

Kabilang si TV host KC Montero sa nasa 100 katao na pinosasan ng awtoridad sa isang bar sa Makati City kahapon, Hunyo 28.

Ang bar ay nasa 18th floor ng isang high-rise building sa naturang lungsod.

Dapat ay sarado pa rin ang mga bar sa mga general community quarantine area, kabilang ang Metro Manila.

Wika ni Montero, dapat ay magdi-dinner lang siya at ang kanyang asawa sa naturang bar.

“Why were they open if they’re not allowed to open? Maybe that’s my fault, I didn’t do my research. My first time there… I probably should’ve stayed home tonight,” sey niya, sa ulat ng ABS-CBN News.

Pinanatili ang mga inaresto sa isang covered court sa Barangay Guadalupe Nuevo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?