28

Mar 10, 2020 @ 15:01
By

Dapat amuyan kami – Eya

Pinunto ni ace spiker Eya Laure na komunikasyon ang susi ng UST Golden Tigresses sa kanilang mga laban sa UAAP Seaon 82 women’s volleyball tournament.

Nitong Linggo, winalis ng Espanya-based squad via straight sets ang FEU Lady Tamaraws, 25-20, 25-16, 25-28.

“Nakita ‘yung strength ng team namin na once na mag-usap kami lalabas ‘yung magandang performance na makakatulong sa team,” paliwanag ni Laure, nagtala ng 16 points at 14 digs.

Aniya, team effort pa rin ang magiging bentaha ng Golden Tigresses ngayong season.

“Kakausapin namin ‘yung teammates namin na constant tulad ng sinabi ni coach Kungfu (Reyes) na hindi namin magagawa ‘yung isang bagay nang wala sila,” sambit pa ng sophomore hitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?