13

Sep 16, 2020 @ 23:17
By

D’Antoni patatakbuhin sina Sabonis, Turner

Itutuloy ni Mike D’Antoni ang career sa Pacers, ayon sa mga bulong-bulungan.

Sinibak ng Indiana si Nate McMillan pagkatapos ma-sweep sa Miami sa first round ng East playoffs.

Nagpaalam si D’Antoni sa Rockets na lalayas na siya ng Houston sa kabila ng offer ng team na bigyan siya ng contract extension.

“The expectation is that D’Antoni will be hired by the Indiana Pacers,” ulat ni Keith Pompey ng The Inquirer.

Hindi pa ‘yun final.

Biyaheng Camden sa New Jersey rin si D’Antoni, pati ang free agent coach ding si Billy Donovan, para magpa-interview sa 76ers.

“Source tells me that Mike D’antoni & Billy Donovan should be in Camden this week to interview with the Sixers for the head coaching job,” tweet ni Jason Dumas ng KRON4 News.

Saan man mapunta si D’Antoni, bitbit niya ang kanyang paboritong small-ball at fast-paced game. Importante sa 69-year-old ang spacing at bilis.

Sa Indiana, paano kaya niya hahagupitin sina bigs Domantas Sabonis at Myles Turner para tumakbo?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?