77
Dante na-KO si Koura para sa OPBF crown
Apr 1, 2019 @ 15:28
By ,

Dante na-KO si Koura para sa OPBF crown

Inangkin ni Pinoy veteran fighter Lito Dante ang Oriental and Pacific minimumweight belt nang ma-knockout sa 12th round si Japanese fighter Tsubasa Koura Linggo sa Yokohama, Japan.

Nagpaulan ng mga walang awang suntok si Dante (16-10-4, 8 KOs) sa huling round at ang kanang hook na tirada nito kay Koura (14-1, 9 KOs) ang nagpakapit at nagpabagsak sa World Boxing Council #3 contender.

Mula sa pagkakapit sa rope, bumanat muli ng sunod-sunod na suntok si Dante kay Koura na lalo pang nagpahirap sa Japanese boxer na lumaban at bumawi at mula rito ay tinigil na ng referee ang laban sa huling 1:18 sa 12th round nito.

Ang bakbakang ito ay ang ikaapat na pagdepensa ni Koura sa OPBF title mula nang makuha niya ito nang mapabagsak si Pinoy fighter Jaysever Abcede noong Hulyo 2017.

Ito na ang ikalawang sunod na titulong nakuha ni Dante sa Japan at maari siyang bumalik dito para depensa ang kanyang bagong OPBF na korona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?