492
ABANTE tonite PBA MVP Danny Ildefonso
By

Danny Ildefonso at MMDA enforcer muntik magsuntukan

Sharing is caring!

Muntik umanong mauwi sa suntukan ang diskusyon ni dating PBA player Danny Ildefonso at isang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos sitahin ng huli ang dating basketbolista sa Sampaloc, Maynila nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa ulat ng GMA News, nagkasagutan ang National University Bulldogs coach at ang traffic enforcer na nanita sa kanya dahil sa illegal parking sa tapat ng NU sa Sampaloc.

Sabi ni Ildefonso, hinamon umano siya ng enforcer ng suntukan pero itinanggi ito ng huli at sinabing ang una umano ang nang-angas sa kanya.

Sa bandang huli ay pinagsabihan na lang ni MMDA operations supervisor Bong Nebrija ang kanyang enforcer habang tiniketan si Ildefonso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?