60

By

Danny Garcia kating makasapakan si Pacquiao

Kakatapos pa lang ng laban ni Danny Garcia, mukha na agad ni Manny Pacquiao ang naiisip nito sa listahan ng mga gustong makaupakan.

Matapos sungkitin ang unanimous victory win kontra kay Ivan Redkach, (117-111, 117-111, 118-110), naitanong kay Garcia kung sino ang kanyang gustong sunod na kalaban.

At kasama ang pangalan ni Pacquiao sa mga nais niyang sunod na mapatumba.

“Manny’s been saying he wants to fight me for the last two years. It hasn’t happened,” ayon kay Garcia sa press conference. “Manny Pacquiao, Errol Spence or anybody who wants to fight me, I’m here. Let’s get it on.”

“Either (Spence or Pacquiao),” saad naman nito matapos ang laban. “Either of those fights I would like to have. My style looks great with both fighters.

Sa naging laban ni Garcia kontra kay Redkach, nakatikim ng literal na kagat ang American boxer na unang beses na nangyari sa kanyang career.

Ngunit hindi nagpapigil si Garcia sa kakaibang style ni Redkach at nanatiling nasa opensa para pasandalin sa lubid ang huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?